
Walang Pasok – September 26, 2022
MAHALAGANG PABATID:
Ipinababatid ni Governor Oyie Matias-Umali at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, na kanselado ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan, bukas, ika-26 ng Setyembre, 2022, bilang pag-iingat sa banta ng Bagyong #KardingPH
Kanselado rin ang pasok sa lahat ng Tanggapan ng Gobyerno, maliban sa mga opisinang kabilang sa relief and rescue operations.
Samantala, ang mga pribadong kompanya ay ipinauubaya sa kanila ang suspensyon ng pasok.
Maging alerto at maingat po tayong lahat sa pagdating ng bagyo. Ibayong pagdarasal para sa buong Lalawigan.