
TUPAD Program sa Bayan ng Llanera
Llanera, Nueva Ecija. Masayang tinanggap ng 100 benepisyaryo ng TUPAD Program sa Bayan ng Llanera ang kanilang suweldo sa pagtatrabaho sa loob ng 10 araw noong ika-4 ng Oktubre, 2021.
Ang programang ito ay sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamumuno ni Sec. Bebot Bello sa pakikipag-ugnayan at kahilingan ng Pamahalaang Bayan ng Llanera sa pamumuno ni Mayor Ronnie Roy G. Pascual, Vice Mayor Frank S. Natividad, Sangguniang Bayan Members, at ng Llanera Public Employment Service Office (PESO).