
Top 10 Performing LGUs Fully Vaccinated Coverage (General Population)
Pagbati po sa Bayan ng Llanera sampu ng ating LGU- Vaccine Operation Center sa pangunguna ng ating Punong Bayan Hon. Ronnie Roy G. Pascual, Sangguniang Bayan Members sa pangunguna po ng ating Pangalawang Punong Bayan Hon. Hermogenes Tadiaman Jr, sa ating RHU Llanera sa pangunguna ni Dr. Mylene Villarosa, sa ating Vaccination Team, mga Brgy. Officials, BHWs, Volunteers, mga Stakeholders at sa bawat mamayan ng Llanera na naging bahagi ng matagumpay na bakunahan sa laban sa COVID-19.
Ang ating bayan ay Top 5 sa Lalawigan ng Nueva Ecija ng may pinakamaraming Fully Vaccinated. Patuloy po kaming nanawagan sa bawat Llanerano na wala pa pong Booster Shot, tuloy tuloy po ang ating bakunahan sa ating Centralized Vaccination Area kasabay ang malawakang School Based Immunization sa Elementarya at Highschool.
Sa Llanera, BAWAT MAMAYAN AY BAKUNADO AT PROTEKTADO 






