Skip to main content

SUYOD BAHAY, SUYOD BARANGAY: Covid-19 Mobile Vaccination

SUYOD BAHAY, SUYOD BARANGAY: Covid-19 Mobile Vaccination
August 15- September 15, 2022 ( PHASE 3 )
September 16 – October 7, 2022 ( PHASE 4 )
Ang LGU-Llanera, LVOC, LGU-IATF at RHU sa pangunguna ni Hon. Mayor Ronnie Roy G. Pascual, VM Hermogenes A. Tadiaman Jr. at mga Sangguniang Bayan Members; at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ay naglunsad ng SUYOD BAHAY, SUYOD BARANGAY : Mobile Outreach Vaccination na magsisimula sa August 16 hanggang September 15 (PHASE 3) AT September 16 hanggang October 7 (PHASE 4).
Ang Programang Pangkalusugang ito ay mahalagang hakbang para sa patuloy na pagtaas ng Vaccine Coverage at Herd Immunity sa ating bayan. Ito ay malaking tulong para ilapit sa bawat Llanerano ang bakunahan laban sa COVID-19. Kaakibat natin sa napakalaking programang ito ang DOH, Liga ng Barangay, Sangguniang Kabataan at BHW Association para sa lalong ikapagtatagumpay ng programang ito.
Ang mga sumusunod ang mga Target Age Group na maaring magpabakuna:
👧🏼5-11 Years Old
🧑🏽12-17 Years Old
👱🏽‍♂️18-59 Years Old
🧓🏾👵🏽Senior Citizens
Mga Vaccine Series na maaring Ibigay:
📌PRIMARY SERIES ( Para sa 1st Dose at 2nd Dose)
📌1ST BOOSTER ( Para sa mga nakatapos ng Primary Series with atleast 3 months of interval)
📌2ND BOOSTER ( Para sa mga immunocompromised, Senior Citizens at Frontline Health Workers na nakatapos ng 1st BOOSTER with atleast 4 months of interval)
✔️Magdala lamang ng Birth Certificate (para sa mga 5-17 years Old) or VALID ID para sa mga 18 years old pataas.
Gagawin ang bakunahan sa bawat purok na may Fixed Posting at House to House Strategy sa bawat barangay. Mangyaring tingnan sa bawat larawan ang Schedule ng inyong Barangay at Makipag-ugnayan sa mga BHWs at Brgy. Officials para sa iba pang mga detalye. See you Beshy 😘😘😘😘

Official Website of Municipality of Llanera