Skip to main content

“Sining at Musika: Kultura ng Paglaya at Pagkilala”

Mabuhay!
Ngayong taon, sa selebrasyon ng Buwan ng mga Sining na may temang “Ani ng Sining, Bayang Malikhain”, ang Pamahalaang Llanera sa pamamagitan ng Tanggapan ng Turismo, Kasaysayan, Sining at Kultura sa pakikipag-ugnayan at tulong ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Institute of Linguistics and Literature (IOLL) ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) ay nagdaos ng “Sining at Musika: Kultura ng Paglaya at Pagkilala”, mula February 23 hanggang February 25, 2024. Ito ay isang pagsasanay na naglalayong makabuo ng opisyal na musika para sa gagawing opisyal na folk dance ng Bayan ng Llanera.
Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga guro mula Elementarya at Sekondarya ng Bayan ng Llanera.
Sa mensahe ni Punong Bayan, Kgg. Ronnie Roy G. Pascual, lubos niyang pinasalamatan ang DepEd sa kanilang walang sawang pagsuporta at pakikiisa sa mga programa ng Pamahalaang Bayan. Dagdag pa niya, ipagpapatuloy ng Bayan ang mga programang may kinalaman sa Turismo, Kasaysayan, Sining at Kultura ng Bayan ng Llanera.
Nagsilbing tagapagsalita sa tatlong araw na programa si G. Arnel E. Del Rosario mula sa NCCA.
Bukod sa pagsasanay sa Musika, magkakaroon din ng pagsasanay sa Folk Dance at Contemporary Dance sa mga susunod na araw.
_______________________________________________________________________
Ipinaaabot ng Pamahalaang Bayan ang pasasalamat sa R.O.D Church at JIL Llanera.
#nam2024
#sulongLLANERA

Official Website of Municipality of Llanera