Skip to main content

Selebrasyon ng National Flag Day

Ang Pamahalaang Bayan ng Llanera sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan Ronnie Roy G. Pascual ay nakikiisa sa buong bansa sa selebrasyon ng National Flag Days mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12, 2023. Ito ay sa bisa ng Presidential Proclamation No. 374 noong taong 1965 sa paggunita ng unang pagwawagayway ng bandila matapos ang Battle of Alapan sa Imus, Cavite taong 1898. Noong Mayo 23, 1994, nilagdaan naman and Executive Order No.79 na nagpapalawig sa selebrasyon ng National Flag Days mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12.
Ang ating bandila ang simbolo ng kalayaan, kasarinlan, at tagumpay ng ating bayan. Buong puso at buong pagmamalaki nating isabit ang ating watawat.
 
Official Website of Municipality of Llanera