Skip to main content

Seal of Good Local Governance

MABUHAY!
Mga kababayan, muli pong nasungkit ng Bayan ng Llanera ang Seal of Good Local Governance. Ito po ang pinakamataas na pagkilala mula sa Department of the Interior and Local Government na iginagawad sa mga LGU para sa MATINO, MAHUSAY AT MAAASAHANG pagganap at paglilingkod sa ating Bayan.
Ang pagkilalang ito ay produkto ng pagtutulungan at pagkakaisa nating lahat sa pamumuno ng ating Punong Bayan, Kgg. Ronnie Roy G. Pascual; Sangguniang Bayan at iba-‘t-ibang mga tanggapan ng ating pamahalaan.
Sa taong ito, kabilang ang Bayan ng Llanera sa 493 LGU’s na pinarangalan.
Maraming Salamat po sa lahat ng ating mga naging katuwang. ITO PO AY PARA SA LAHAT NG LLANERANO!
#LlaneraSGLG2023
#SulongLlanera

Official Website of Municipality of Llanera