Skip to main content

Sayaw sa Bayan: Sining, Kultura at Buhay ng Mamamayan

Mabuhay!
Ginanap ngayong araw sa Lagasca Gym ang Sayaw sa Bayan: Sining, Kultura at Buhay ng Mamamayan. Ito ay isang pagsasanay para sa pagbuo ng opisyal na Folk Dance ng Bayan ng Llanera na dinaluhan ng mga guro mula sa Elementarya at Sekondarya.
Nagsilbing tagapagsanay si G. Randy Carlos Guevara mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Dumalo sa pagtitipon upang magbigay ng suporta ang ating Punong Bayan, Kgg. Ronnie Roy G. Pascual at binigyang diin ang malaking papel ng mga guro na siyang magiging katuwang ng Pamahalaang Bayan sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng mabubuong opisyal na Folk Dance ng Bayan. Dumalo rin sa programa ang ating Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Hermogenes A. Tadiaman Jr. at ilang miyembro ng Sangguniang Bayan.
Ang pagsasanay na ito ay proyekto ng Pamahalaang Bayan ng Llanera sa pamamagitan ng Tanggapan ng Turismo, Kasaysayan, Sining at Kultura sa pakikipag-ugnayan at tulong ng NCCA at Institute of Linguistics and Literature (IOLL) ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) na tatakbo hanggang sa March 3.
Narito ang mga kuha sa unang araw ng pagsasanay.
#sulongLLANERA

Official Website of Municipality of Llanera