Skip to main content

Sayaw sa Bayan: Sining, Kultura at Buhay ng Mamamayan

Mabuhay!
Matagumpay pong natapos ang tatlong araw na Sayaw sa Bayan: Sining, Kultura at Buhay ng Mamamayan. Ito po ay pagsasanay upang mabuo ang opisyal na Folk Dance ng ating Bayan.
Ang Bayan ng Llanera sa pamumuno ni Punong Bayan, Kgg. Ronnie Roy G. Pascual sa pamamagitan ng Tanggapan ng Turismo, Kasaysayan, Sining at Kultura ay nagpapasalamat po sa National Commission for Culture and the Arts at sa Institute of Linguistics and Literature (IOLL) ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST).
Gayon din, nagpapasalamat po ang ating Bayan sa DepEd Llanera at sa ating naging tagapagsanay na si G. Randy Carlos Guevara.
#sulongLLANERA

Official Website of Municipality of Llanera