
Sa Banuar A Mannalon Festival Naipapamalas ang Kabayanihan ng Lahing Pilipino
Maligayang Pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani!
Sa pagdiriwang ng Banuar A Mannalon Festival sa Bayan ng Llanera, naipapamalas ang kabayanihan ng lahing Pilipino partikular ang mga bayaning magsasaka sa bayan. Sa pagpapatuloy na pagtataas ng mga bayani ng bayan sa Banuar A Mannalon Festival, nagsisilbi itong inspirasyon at gabay sa makabagong henerasyon. Ang dulansangan ay nagsisilbing daluyan ng ating pagmamahal at pagbibigay halaga sa kasaysayan, kultura at sining.
Mabuhay ang mga bayani ng bayan!