
RESBAKUNA KASANGGA NG BIDA COVID-19 Vaccination Accomplishment
Simula noong March 27, 2021 nang ating simulan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 hanggang sa araw na ito December 12, 2021, Narito ang COVID Vaccination Status ng Bayan ng Llanera.
Ang ating Pamahalaang Bayan at Llanera Vaccine Operation Center sa pangunguna ng ating Punong Bayan Hon. Ronnie Roy G. Pascual sampu ng Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Frank S. Natividad ay muling makikiisa sa COVID-19 National Vaccination Day Round 2 na gaganapin sa Disyembre 15-17, 2021 sa Lagasca Gymnasium, TB-DOTS Center at mga piling barangay bilang bahagi ng ating Mobile Outreach Vaccination Caravan.
Ligtas, Epektibo at Libre ang mga Bakuna kontra COVID-19!
Tuloy-tuloy pa rin ang pagbabakuna sa ating bayan. Magpa-RESBAKUNA na at hikayatin din ang mga kaibigan at buong pamilya lalo na ang may mga taglay na Co- Morbidities at sina Lolo at Lola! Dahil ang Pamilyang Llaneranong Bakunado, PROTEKTADO!
PS. Sa mga nakatanggap po ng 2 doses at nag-aantay ng BOOSTER Shot na kabilang sa mga Category A1 ( Health Care Workers ), A2 (Senior Citizens) at A3 ( Persons with Co-Morbidities) mangyaring antayin lamang po ang Anunsiyo mula sa LGU, LVOC at RHU Llanera para sa schedule ng inyong Booster Shot. Ihanda lamang ang ang inyong Vaccine Card at Valid ID. Ang Booster Shot po ay ibinibigay ATLEAST 6 months mula nang inyong natanggap ang 2nd Doses at ATLEAST 3 months sa mga nabigyan ng Janssen Brand. Maraming Salamat po