Skip to main content

PLAKE NG PAGKILALA MULA SA BUREAU OF FIRE CENTRAL LUZON IGINAWAD KAY MAYOR RONNIE ROY G. PASCUAL

Isang natatanging Plake ng Pagkilala mula sa Bureau of Fire Central Luzon, sa pangunguna ni CSUPT Roy Roderick P Agulto, DSC, ang tinanggap ng ating minamahal na Punong Bayan Ronnie Roy G. Pascual sa ginanap na selebrasyon ng Ika-32 Taong Anibersaryo ng BFP Central Luzon sa Otel Pampanga, San Fernando City, Pampanga noong ika-4 ng Agosto, 2023. Kasamang tinanggap ni Mayor Pascual ang Plake ng Pagkilala sina SFO4 Elvira Subaba, Fire Marshal ng BFP-Llanera, at MLGOO VI Carolyn Javate. Naging pangunahing tagapagsalita sa okasyon si CSUPT Wilberto Rico Neil A. Kwan Tiu, ang Deputy Chief for Operations ng BFP National Headquarter.
Ang pagkilalang ito ay iginawad kay Mayor Pascual sa kanyang di-matawarang pagsuporta sa tanggpan ng Bureau of Fire sa Bayan ng Llanera upang lalong masigurong ligtas ang ating mga kababayan laban sa sunog at iba pang mapaminsalang trahedya. Isa si Mayor Pascual sa labindalawa (12) lamang sa Region III ang nagawaran ng prestisyosong karangalan.
Ang karangalang ito’y alay ng ating mahal na Punong Bayan Ronnie Roy G. Pascual sa bawat Llanerano!
Mabuhay Bayan ng Llanera!
Sulong Llanera!
Watch here: https://fb.watch/mhlg6MXw02/

Official Website of Municipality of Llanera