Skip to main content

PESO LLANERA, ITINANGHAL NA REGIONAL BEST PESO PARA SA 4TH TO 6TH CLASS MUNICIPALITY CATEGORY

Sa pangalawang pagkakataon, nasungkit ng PESO Llanera ang Regional Best PESO para sa 4th to 6th Class Municipality Category. Magiging kinatawan ng Region III ang PESO Llanera para sa 2023 Search for Best PESO na gaganapin sa Zamboanga sa darating na Oktubre. Kung papalarin, ito na ang pangatlong pagkakataon na igagawad sa PESO Llanera ang National Best PESO para sa 4th to 6th Class Municipality Category.
Bukod sa nakuhang parangal ng PESO Llanera sa Region III, ginawaran din ito ng dalawa pang pagkilala:
1. For full cycle utilization of the PESO Employment Information System (PEIS) in applicant’s registration for the year 2023.
2. For the invaluable assistance to the Department of Labor and Employment Regional Office III during the conduct of Technical and Advisory (TAV) services to Community-based Micro Establishments in 2023.
Kinikilala ng Pamahalaang Bayan ng Llanera sa pamumuno ni Punong Bayan, Kgg. Ronnie Roy G. Pascual ang malaking karangalang ito na natanggap ng Bayan sa pamamagitan ng PESO sa pangunguna ni Sir Giovanie Tomas at ng kanyang mga kasamahan sa tanggapan.
#sulongLLANERA

Official Website of Municipality of Llanera