Skip to main content

Patient Transport Vehicle

MABUHAY!
Personal pong tinanggap ng ating Punong Bayan, Kgg. Ronnie Roy G. Pascual ang isang bagong Patient Transport Vehicle sa ginanap na Turn Over Ceremony noong December 11, 2023 sa Wack Wack Golf & Country Club, Lungsod ng Mandaluyong.
Isa po ang Bayan ng Llanera sa mga nakatanggap ng bagong set ng Patient Transport Vehicle ay mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, Kgg. Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa pangunguna ni G. Melquiades A. Robles (PCSO General Manager). Naging panauhin din sa nasabing programa si DILG Secretary, Atty. Benjamin C. Abalos Jr.
Malaki po ang maiaambag nito sa ating Bayan pagdating sa usaping pangkalusugan lalo na sa Emergency Purposes.
#SulongLlanera

Official Website of Municipality of Llanera