Skip to main content

Passport on Wheels Nagbabalik sa Bayan ng Llanera

Matagumpay na naisagawang muli ang Mobile Passporting sa Bayan ng Llanera noong ika-9 ng Agosto 2023, sa Llanera Evacuation Center, Bagumbayan, Llanera, Nueva Ecija.
Sa maigiting na pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Llanera sa pangunguna ng ating mahal na Punong Bayan, Ronnie Roy G. Pascual, sa Department of Foreign Affairs, naisagawang muli ang Mobile Passporting Program ngayong taon. Maalalang ang huling Mobile Passporting na naisagawa sa bayan ay noong 2019 pa. Naantala ang pagsasagawa ng programang ito, dahil sa naganap na COVID-19 Pandemic. Sa pagluwag ng COVID restrictions ay naisakatuparang muli ang programang ito sa ating bayan.
Limang daan animnaput pitong (567) Llanerano ang naging benepisyaryo ng programa at personal na dinaluhan ito ng ating Punong Bayan Ronnie Roy G. Pascual upang masigurong naging maayos ang sistema at proseso ng passporting. Malaki ang natipid ng ating mga kababayang naging bahagi ng programang ito sapagkat DFA na mismo ang bumaba sa ating bayan para sa passporting.
Maraming salamat po sa mga kawani ng PESO Llanera sa panguna ni Sir Giovanie Tomas at MCEDO na pinangugunahan naman ni Sir Joey Esteban. Sa lahat ng tumulong mula sa Mayor’s Office, SPES, at iba pang tanggapan, maraming salamat po. Sa Bureau of Fire-Llanera na umantabay para sa siguridad ng lahat, maraming salamat.
Nagkaroon din ng Mini-Trade Fair kung saan nakiisa ang ating mga MSME’s na nagdisplay ng kanilang mga natatanging produktong lokal at gawang Llanerano.
Pagbati po sa lahat at kita-kita po tayong muli sa 2024 Mobile Passporting.
Sulong Llanera!

Official Website of Municipality of Llanera