
PARA SA KAALAMAN NG LAHAT NG MGA BUNTIS SA ATING BAYAN
Ang ating PAANAKANG BAYAN ay BUKAS 24 ORAS mula Lunes hanggang Biyernes, Holiday at ON-CALL BASIS. LIBRE PO ANG PANGANGANAK sa ating sariling Paanakang Bayan. May Philhealth man po o wala ay LIBRE po ang panganganak sa tulong at malasakit ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna at patnubay ng ating mahal na Punong Bayan Hon. Ronnie Roy G. Pascual sampu ng Sangguniang Bayan.
Kung magkataong hindi pwedeng manganak sa ating Paanakang Bayan at nangangailangan ng higher level of care tulad ng Cesarean Section ay nakikipag-ugnayan ang ating mga Midwives sa ating Referral Hospital tulad ng PJGMRMC at Talavera General Hospital para agarang mairefer ang ating mga Manganganak gamit ang mga Ambulansiya ng ating Bayan.
Nawa’y patuloy nating suportahan ang ating sariling Paanakang Bayan at RHU Llanera para sa isang Ligtas na Pagdadalang-tao at pagsilang ng sanggol dahil LAHAT NG LLANERANO AY MAHALAGA sa lalong ikakasulong ng ating Bayan.
Makipag-ugnayan sa ating masisipag na BHW, Rural Health Midwives at mga DOH Nurses na nakakasakop sa inyong barangay. Kung may mga katanungan, bukas ang ating tanggapan para maibigay at mailapit lahat ng serbisyo at programang Medikal at Pangkalusugan.
*Photo CTTO