Skip to main content

PALARONG LLANERANO

Sa darating na araw ng Linggo, February 25, sabay-sabay nating tunghayan ang hudyat ng pagsisimula ng selebrasyon ng 69th Founding Anniversary at 8th Banuar A Mannalon Festival. Magkita-kita po tayo sa Llanera Pag-Asa Gym, ganap na ika-8:00 ng umaga.
Pormal ding bubuksan ang PALARONG LLANERANO: INTER-BARANGAY SPORTS LEAGUE 2024 na may temang: BILOG ANG BOLA: SA PAGSUGPO SA TERORISMO AT DROGA, KASAMA KA!, at ang Sashing Ceremony ng 22 opisyal na kalahok para sa BINIBINING LLANERA 2024.
Bukod dito, sa kauna-unahang pagkakataon ay ipapasilip din ang Official Logo ng 8th Banuar A Mannalon Festival.
Ang lahat ng ito ay hatid sa atin ng Pamahalaang Bayan ng Llanera sa pamumuno ni Kgg. Ronnie Roy Pascual katuwang ang Municipal Peace and Order Council; Municipal Anti-Drug Abuse Council; Office of Tourism, Heritage, Culture and the Arts; Local Youth Development Office; at Pambayang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan sa pangunguna ni Kgg. Catherine Capinlac.
Ipakita ang inyong suporta sa inyong Barangay at sa ating Bayan.
SINO-SINO ANG MANANAIG AT TATANGHALING KAMPEON?
#palarongllanerano
#sulongLLANERA
#8thBanuarAMannalon
#69thFoundingAnniversary

Official Website of Municipality of Llanera