Skip to main content

Palarong Llanerano: Inter-Barangay Sports League 2024 (Opening)

Pormal na binuksan kaninang umaga ang Palarong Llanerano: Inter-Barangay Sports League 2024 na may temang “Bilog ang Bola: Sa Pagsugpo sa Terorismo at Droga, Kasama Ka!” Ito ay alinsunod sa pagdiriwang ng 69th Founding Anniversary at 8th Banuar A Mannalon Festival ng bayan ng Llanera.
Bukod sa pagbubukas ng Palaro, ipinakilala rin ang 22 opisyal na kandidata ng Binibining Llanera 2024 sa kanilang sashing ceremony at ipinasilip ang opisyal na logo ng 8th Banuar A Mannalon Festival.
Sa mensahe ni Punong Bayan, Kgg. Ronnie Roy G. Pascual ay ipinahayag niya ang kanyang buong suporta sa Palaro at mga programa ng mga Kabataang Llanerano. Ipinaalala rin niya ang paglalaro ng may kababaang loob at umaasa na matatapos ang palaro ng maayos at mapayapa.
Ang programang ito ay hatid ng Pamahalaang Bayan ng Llanera sa pamumuno ni Kgg. Ronnie Roy Pascual katuwang ang Municipal Peace and Order Council; Municipal Anti-Drug Abuse Council; Office of Tourism, Heritage, Culture and the Arts; Local Youth Development Office; at Pambayang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan sa pangunguna ni Kgg. Catherine Capinlac.
Photo: Robert Monroy of R.M Pixel’s
#palarongllanerano2024
#sulongLLANERA
#8thBanuarAMannalon
#69thFoundingAnniversary

Official Website of Municipality of Llanera