Skip to main content

PAGBIGKAS NG MALAYANG TALUDTURANG TULA

PAGBIGKAS NG MALAYANG TALUDTURANG TULA
(Spoken Poetry)
PARA SA MGA MATAAS NA PAARALAN NG BAYAN NG LLANERA LAMANG
a. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mga Junior at Senior High School Students ng Bayan ng Llanera.
b. Bawat Mataas na Paaralan ng Bayan ng Llanera ay maaaring magkaroon ng hindi lalagpas sa apat (4) na kalahok. Sa lahat ng mga nais lumahok, maaari kayong makipag-ugnayan sa inyong paaralan.
c. Para sa patimpalak na ito, wikang Filipino lamang ang maaaring gamitin ng kalahok.
d. Ang tema ng patimpalak ay PAG-IBIG AT KABATAAN.
e. Kailangang i-bidyo ang kalahok habang binibigkas nito ang kaniyang piyesa na hindi lalagpas sa tatlong minuto (3 minutes). Walang ibang makikita sa kabuuan ng bidyo kundi ang kalahok lamang.
f. Maaaring gumamit ang kalahok ng kahit anumang musika ayon sa kaniyang pasya na makatutulong sa pagpapaganda ng kaniyang bidyo.
g. I-a-upload ng kalahok ang kaniyang bidyo sa sarili nitong facebook account hanggang ika-12:00 ng tanghali ng Agosto 26, 2022. Siguraduhing ito ay naka-PUBLIC at gagamitin ang mga hashtag na:
#LlaneraLNK2022
#PagIbigAtKabataan.
Para naman sa Caption, ilagay ang PAGBIGKAS NG MALAYANG TALUDTURANG TULA, ang inyong buong pangalan at paaralan.
Halimbawa:
PAGBIGKAS NG MALAYANG TALUDTURANG TULA
Juan A. Dela Cruz
Sangguniang Kabataan National High School
_____________________________________
Pamantayan sa Paghusga:
KAUGNAYAN SA TEMA AT NILALAMAN – 50%
LINAW NG PAGBIGKAS – 25%
EMOSYON – 25%
______________________________________
Unang Gantimpala – P3,000 + medalya
Ikalawang Gantimpala – P2,000 + medalya
Ikatlong Gantimpala – P1,000 + medalya

Official Website of Municipality of Llanera