
National COVID – 19 Vaccination Days
Nilagdaan ngayong araw Nobyembre 24,2021 ng Pangulong Rodrido Roa Duterte ang proklamasyon na nagtatakda ng November 29 hanggang December 1, 2021 bilang “National COVID-19 Vaccination Days”.
Lahat ng mga Empleyado na nagtatratrabaho sa Gobyerno at Pribadong Sektor o Kumpanya na HINDI PA BAKUNADO ng COVID-19 Vaccine na nakatakdang magpabakuna sa mga araw na nabanggit ay “HINDI MAIKOKONSIDERANG ABSENT” sa araw ng bakuna.
Dahil dito, ang LGU at Llanera Vaccine Operation Center sa pangunguna ni Mayor Ronnie Roy G. Pascual ay LUBOS NA MAKIKIISA sa MAS PINALAWAK at MALAKIHANG Bakunahan na gaganapin mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1,2021 sa ating bayan.
Tinatawagan po natin lahat ng Medical and Allied Health Professionals, Medical Students ( Nursing at iba pang mga kauri nito), mga Guidance Counsellors mula DepEd at DSWD maging lahat ng mga NGOs sa ating bayan na may busilak at matulunging puso na maging KABAHAGI at VOLUNTEERS sa mga araw ng National Vaccination Day na ating isasagawa.
Sa mga tutulong at magiging kabahagi ng ating mga Volunteers, Mangyaring makipag-ugnayan kay Sir EJ Sibuma sa Numerong 0917-637-9233 para sa gaganaping orientation sa araw ng bukas sa pangunguna ng National Task Force at DOH.
Tinatawagan din lahat ng mga “HINDI PA BAKUNADO” na maging kabahagi tayo s aprogramang ito ng ating Pamahalaan.Open po for “Walk In” at isasabay din ang “MOBILE OUTREACH VACCINATION” sa mga piling barangay sa ating bayan. Magdala lamang ng mga sumusunod:
✔️Valid Id
✔️Sariling Ballpen
Lahat din ng ating mga “Bed Ridden” na pasyente na nais pong magpabakuna ay maaari din pong makipag-ugnayan kay Sir EJ para maschedule po ang House to House Vaccination.
Llanerano, HANDA NA ANG MARAMI SA NEW NORMAL! Madami ng BAKUNADO at PROTEKTADO! Makipagbayanihan na at Rumesbakuna dahil ang LLANERANONG BAKUNADO, ay PROTEKTADO 😊😊😊😊