Skip to main content

National Bible Day 2024

Mabuhay!
Ang Bayan ng Llanera ay nakikiisa sa pagdiriwang ng National Bible Day 2024 na may temang “God’s Word: The Breath of New Life” na alinsunod sa Republic Act 11163 na nagdedeklara sa huling Lunes ng Enero bawat taon bilang isang special working holiday bilang paggunita sa pagdiriwang. Ang programa ay ginanap kahapon, January 29 sa Pag-Asa Gym na dinaluhan ng Barangay at Sangguniang Kabataan Officials, Municipal Officials and Employees at iba’t-ibang mga sekta ng simbahan sa Bayan ng LLanera.

Nagsilbing panauhing tagapagsalita sa pagtitipon si Rev. Rino Roman, Vice Chairman ng Alliance of Ministers & Ministries in Nueva Ecija. Binigyang diin niya ang paglilingkod ng mayroong katapatan at ang bunga ng pagiging tapat sa lahat ng pagkakataon at ang kahalagahan ng salita ng Panginoon.

Sa kabilang banda, ang Gideon’s International San Jose City Camp ay nagpamigay naman ng mga libreng Bibliya sa lahat ng mga dumalo sa gawain. Sa mensahe ni Atty. Ronald Hortizuela, ipinahayag niya ang kahalagahan ng Bibliya sa buhay ng isang tao at buong pusong nakikiisa sa selebrasyon ng National Bible Day.

Samantala, isa sa mga highlights ng aktibidad ay ang panalangin para sa Bayan. Pinagunahan ni Rev. Edmund Dela Rosa ang pananalangin para sa Sangguniang Kabataan Officials; Rev. Vener Benemerito para sa Barangay Officials; Bishop Bernard Borja para sa Municipal Officials at Ptra. Vicky De Guzman para sa panalangin sa komunidad.

Dagdag pa rito, patuloy na ipinapakita ni Punong Bayan Ronnie Roy G. Pascual ang kanyang suporta sa mga gawaing espiritwal gaya ng National Bible Day na taon-taon ipinagdiriwang ng Bayan. Kasama rin kagabi ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Pangalawang Punong Bayan Hermogenes A. Tadiaman Jr.
Katuwang ng Pamahalaang Bayan sa pagdiriwang ang Llanera Aggregation of Ministries and Pastors (LAMP) sa pangunguna ni Rev. Regalado F. Umanos.

Official Website of Municipality of Llanera