
Nagtapos ngayong araw ang nasa 192 trainees ng mga pagsasanay sa Hilot Wellness Massage NC II
March 25, 2022. Nagtapos ngayong araw ang nasa 192 trainees ng mga pagsasanay sa Hilot Wellness Massage NC II, Beauty Care (Nail Care) NC II, at Bread and Pastry Production mula sa mga barangay ng A. Bonifacio, Florida Blanca, Gen. Luna, Gen. Ricarte, Ligaya, at San Francisco. Kanila na ding natanggap ang kanilang training allowance.
Ang maikling programa ay dinaluhan ng mga Municipal Officials sa pangunguna ni Mayor Ronnie Roy G. Pascual, Vice-Mayor Frank S. Natividad, at ng mga Sangguniang Bayan Members, TESDA Nueva Ecija Representatives, at mga trainors.
Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Probinsyano Ako Partylist sa pangunguna ni Cong. Jose “Bonito” C. Singson, Jr., Mother Elizabeth Academy of Technical Studies, Inc., at TESDA sa pakikiugnay ni Dra. Malou L. Pascual.