Skip to main content

MOBILE CHEST XRAY (September 20-22, 2022)


Ang ating pamahalaang bayan sa pangunguna ng RHU- Llanera ay muling naglunsad ng Mobile Chest X-ray Examination na gaganapin sa September 20-22, 2022 sa mga 3 piling lugar sa ating bayan.
Ang programang ito ay MAS INILAPIT sa bawat barangay para mabigyan ng sapat ng serbisyong pangkalusugan ang bawat Llaneranos.
Ang mga sumusunod ang mga pangunahing grupong inaanyayahan namin sa programang ito:
✔️May mga sintomas tulad ng UBO na hindi bababa sa 2 linggo, pagpapawis sa gabi at hindi maipaliwanag na pagpayat.
✔️Mga dating ginamot sa sakit na TB
✔️Mga kabahay ng mga dating naggamot at kasalukuyang ginagamot sa TB
✔️Naninigarilyo at Madalas uminom ng Alak
✔️Senior Citizens
✔️May taglay na sakit tulad ng Diabetes.
✔️Mga Jeepney At Tricycle Drivers
📍LAGASCA GYM
September 20,2022
– Maaaring magtungo ang mga nakatira sa Brgy. Plaridel, Bagumbayan, Victoria, Inanama, Mabini, Bosque at Gomez
📍SAN FRANCISCO GYM
September 21,2022
-Maaring magtungo ang mga nakatira sa Brgy. Gomez, Florida Blanca, Villa Veniegas, Sta. Barbara, Ligaya, San. Felipe, Caridad Norte, Caridad Sur, San Nicolas, San Francisco at A. Bonifacio
📍GEN LUNA GYM (tabi ng BAGONG Brgy. Hall)
Septermber 22, 2022
– Maaring magtungo ang mga nakatira sa Brgy. Bosque, San Vicente, Casile, Murcon,Gen. Luna at Gen. Ricarte
Ang programang ito ay LIBRE 😊😊😊 Handog ito ng ating Pamahalaang bayan sa pamamatnubay ng ating Punong Bayan Kgg. Ronnie Roy G. Pascual kasama ang buong Sangguniang Bayan sa pangunguna ng ating Pangalawang Punong Bayan Kgg. Hermogenes Tadiaman Jr at sa pakikipagtulungan sa Department of Health, DOH-CLCHD, Alay Buhay, PBSP at ACCESS TB.
Dahil sa Llanera, DAPAT HEALTHY ANG BAWAT LLANERANO. Ayos ka LUNGS? Tara na 😊😊😊

Official Website of Municipality of Llanera