
Mobile Blood Donation Program noong Nakaraang July 18, 2023
Maraming maraming salamat po sa lahat ng indibidwal at grupong nakiisa sa ginanap na Mobile Blood Donation Program noong nakaraang July 18, 2023 na ginanap sa Llanera Evacuation Center, Bagumbayan, Llanera, Nueva Ecija.
Ayon sa datos ng RHU-LLanera, sa 182 na katao na nagsadya at na-recruit upang magdonate ng kanilang dugo, 145 ang bilang ng mga successful blood donors, 6 naman ang unsuccessful habang 8 ang deferred. Malaking bilang ito na maaaring makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo sa ating bayan.
Taos puso ang ating pasasalamat at pagsaludo sa mga Bayaning Llanerano na handang tumulong sa ating mga kababayan. Maraming salamat po at MABUHAY po kayong lahat.
Ang LGU Llanera sa pangunguna ng ating Punong Bayan Ronnie Roy Pascual at buong RHU team headed by Dra Mylene Villarosa ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa ating mobile blood donation na ginanap ngayong araw lalong lalo na po sa ating mga blood donors na walang sawang nagbibigay ng kanilang oras at dugo para sa mga nangangailangan nating mga kababayan. Sa atin pong mga barangay officials lalong lalo na po sa ating mga masisipag na Barangay Health Workers, maraming maraming salamat po sa suporta! Ang Diyos na po ang magbabalik sa inyo ng sisksik at umaapaw na pagpapala! Kayo pong lahat ang tunay na bayani na kayang magsakripisyo upang madugtungan ang buhay ng ating mga kapwa Llaneranos!
Ang amin din pong pasasalamat sa Regional Blood Center at Provincial Health Office sa pamamagitan ng ating Provincial Blood Coordinator Ma’am Rowena Arocena Hokson na naging katuwang natin sa programang ito.
#dugongalaydugtongbuhay