
Mobile Blood Donation Gaganaping Muli Bukas, JULY 18, 2023, Sa Bayan ng Llanera!
Ang lahat po ay inaanyayahan ng LGU-Llanera at ng Rural Health Unit upang makiisa at magbigay ng suporta at matulungan ang ating mga kababayang nangangailan ng dugo sa darating na BLOOD DONATION PROGRAM na gaganapin bukas, ika- 18 ng Hulyo, 2023, 8am-3pm sa LLANERA EVACUATION CENTER, Bagumbayan, Llanera.
Mga mahahalagang paalala, kayo po ay maaring magbigay ng dugo kapag:
– Malusog ang pangangatawan (walang sipon, ubo, sorethroat at lagnat sa nakalipas na 2 linggo).
– May edad 16-60 taong gulang (16-17 y/o kailangan ng pahintulot ng magulang).
– May timbang na di bababa sa 50 kilos.
– May normal na BP 90-150mm/Hg systole,
60-100mm/Hg diastole.
– Hindi nakainom ng alak at nanigarilyo sa nakalipas na 24 oras bago ang pagdodonate ng dugo
– May sapat na tulog(atleast 6hours).
– Nakakain ng almusal 1-2oras bago makuhanan ng dugo (iwasan ang matatabang pagkain).