Skip to main content

Mga Mag-aaral ng Andres Bonifacio National High School (ABNHS) nakakuha ng ranggong EAGLE SCOUTS

Mabuhay!
Ngayon araw ay kinilala ng Bayan ng Llanera sa pangunguna ni Punong Bayan Ronnie Roy G. Pascual ang mga mag-aaral ng Andres Bonifacio National High School (ABNHS) na nakakuha ng ranggong Eagle Scouts. Ito ang pinaka-mataas na ranggo na maaaring makuha sa scouting. Sila ay sina:
ES. BEJAY C. ELIZARDE
ES. JAMES PATRICK G. IBARRA
ES. JEFFREY U. MARANA
ES. IAN CEDRICK S. FELIPE
ES. PRECIOUS LINA G. PANGILINAN
Bukod dito, si ES. PANGILINAN ay kinilala rin ng Bayan matapos mapabilang sa 10 Outstanding Novo Ecijano Scouts. Dagdag pa rito, isa si ES. PANGILINAN sa mga napiling representatives ng BSP Nueva Ecija para sa nalalapit na Regional Scout Youth Forum 2024.
Ang mga Scouts ng ABNHS ay nasa patnubay ng kanilang Outfit Advisers na sina Sctr. Brian B. Medina, WBH at Sctr. Aldrin S. Moises, WBH at ng Institutional Head na si Sctr. Rrosalinda G. Duran.
Ipinagmamalaki ng Bayan ang tagumpay ng mga scouters na nagsisilbing inspirasyon sa mga Llanerano.
#sulongLLANERA
#MabuhayEagleScouts

Official Website of Municipality of Llanera