Skip to main content

MGA LLANERANO NA NAGBIGAY NG KARANGALAN SA BAYAN, KINILALA

Kinilala ng Bayan ng Llanera sa pangunguna ni Punong Bayan Kgg. Ronnie Roy Pascual ang tatlong Llaneranong nagbigay ng karangalan sa ating bayan at bansa sa iba’t-ibang larangan.
Si Camille F. Jesalva mula sa Barangay Victoria, isang Caregiver sa bansang Israel ay kinilala sa kanyang ipinakitang taos na malasakit at tapat na pagseserbisyo. Lumikha ng paghanga sa buong mundo ang kanyang kwento ng katapangan at pagmamahal sa kapwa matapos niyang iligtas ang kanyang employer sa Hamas Terrorists.
Sa kabilang banda, kinilala rin ng bayan ng Llanera ang magkapatid na sina Marie June at Jenelle Ann Adriano mula sa Barangay San Nicolas sa larangan ng Karate. Out of 40 competitors, Si Jenelle Ann ay nakasungkit ng Bronze Medal sa Kumite (Sparring) Batang Pinoy. Samantala, ang kanyang kapatid naman na si Marie June ay Gold medalist sa Batang Pinoy at Philippine National Game. Ang ipinakitang husay, pagpupursigi at determinasyon ng magkapatid ay nagsisilbing inspirasyon ng maraming Kabataang Llanerano.
Maraming Salamat Camille, Marie June at Jenelle Ann. Kayo ay mga huwarang Llanerano na handang dalhin ang Bayan sa tugatog ng tagumpay. Kayo ay yaman ng bayan!

Official Website of Municipality of Llanera