Skip to main content

MAHALAGANG ANUNSIYO

MAHALAGANG ANUNSIYO📌
Dahil po sa mga hindi inaasahang mga kaganapan, SIMULA PO NGAYONG ARAW, JANUARY 18,2022 ay ipapatutupad ang LIMITED SLOTS: FIRST COME, FIRST SERVE basis ng ating COVID Vaccination sa Lagasca Gym at TB-DOTS Center. Limitadong bilang po MUNA ang pwedeng iaccommodate ng parehong Vaccination Site sa UMAGA at HAPON. Ito ay iko-control ng mga Guards sa Main Gate ng ating munisipyo. Sila rin ang magbibigay ng number at oras kung kelan kayo mababakunahan.
Paalala lamang po:
✔️Sundin ang mga ipapatutupad na kaayusan sa Vaccination Site tulad ng, SOCIAL DISTANCING at WASTONG PAGSUSUOT NG FACEMASK!
✔️Wag magmamadali at wag aawayin ang mga staff.
✔️Bibigyan ng PRIORITIES ang mga SENIOR CITIZENS, BUNTIS, PWDs, May mga Co-Morbidities at Immunocompromised na pasyente.
Ang mga hakbang na ito ay isasagawa para HUWAG MATIGIL ANG BAKUNAHAN. Nakikiusap po kami, LIMITADO po ang BILANG NG MGA VACCINATORS at Staff ng Vaccination Team. Kung kaya’t sundin po natin lahat ang ipatutupad na kaayusan. Mag-ingat po ang lahat. Maraming Salamat po.
*PHOTO CTTO

Official Website of Municipality of Llanera