Skip to main content

LLANERANO DRIVER’S ASSISTANCE PROGRAM ORIENTATION

MABUHAY!
Noong August 23 ay ginanap po sa Lagasca Gym ng Pamahalaang Bayan ang LLANERA DRIVER’S ASSISTANCE PROGRAM ORIENTATION. Katuwang ng LGU-Llanera sa programang ito ang Five S Vehicle Inspection Center at 817 Driving School.
Ang programa ay simulan sa panalangin ni Gng. Lewelyn Esteban (Staff, Assessor’s Office) na sinundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang.
Nagbigay ng mensahe ang Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan, Kgg. Noel M. Antolin; Kgg. Cleofe C. Felix, Miyembro ng Sangguniang Bayan; at Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Hermogenes A. Tadiaman Jr.
Sa mensahe at pagbati naman ng Punong Bayan, Kgg. Ronnie Roy Pascual, ay hinikayat niya ang mga Llanerano na maging responsable sa pagda-drive sa kalsada at hinimok ang bawat isa na siguraduhing kompleto ang mga papel at dokumento na kinakailangan sa pagmamaneho.
Ang Orientation ay pinangunahan ng Five S Vehicle Inspection Center at 817 Driving School.
Dumalo rin sa Orientation ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.###
#ppskllanera
#llaneralnk2023
#LlaneraBuwanNgWikangPambansa2023
#sulongLLANERA

Official Website of Municipality of Llanera