Skip to main content

Llanera Receives FULLY COMPLIANT SEAL for Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Officers Category

MABUHAY!
Noong December 20 ay personal na dumalo ang Bayan ng Llanera sa pamumuno ni Punong Bayan, Kgg. Ronnie Roy G. Pascual sa ginanap na Awarding Ceremony ng 23rd Gawad Kalasag na ginanap sa Asean Convention Center, Marcos Village, Mabalacat, Pampanga.
Tinanggap ng Bayan ng Llanera ang FULLY COMPLIANT SEAL para sa Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Officers Category para sa taong 2023.
Ito ang pangalawang pagkakataon na maparangalan ang Bayan sa Gawad Kalasag.
Kasama rin ng ating Punong Bayan na tumanggap ng parangal si G. Walter C. Solis, ang Puno ng Tanggapan ng Disaster Risk Reduction and Management ng Bayan ng Llanera. Ang parangal na ito ay resibo ng tapat at mahusay na pagganap ng bawat kawani ng kanilang tanggapan.
#sulongLLANERA
#23rdGawadKALASAG

Official Website of Municipality of Llanera