Skip to main content

LLANERA Animal Bite Treatment Center

FIRST WEEK OF OPERATION January 8-12,2023
Total Accomplishments: 23 patients served
Llanera: 22
Rizal:1
Nagpapasalamat po kami sa Dr. PJGMRMC-ABTC/ER Pharmacy Division sa pamamagitan ni Mam Arlene Javier sa ibinigay na 100 vials ng Rabies Serum sa koordinasyon ni Mam Malou Lapuz at Mam Armida Barcelo Torres.
Maraming salamat po sa lahat ng RHU Staff, DOH-HRH, BHWs, Brgy. Officials at mga pasyente na naging bahagi ng referral at immunization services sa unang linggo ng matagumpay ba pagsisimula ng Llanera ABTC.
Maraming salamat din po sa patnubay at suporta na ibinibigay ng LGU-Llanera sa pamumuno ng ating mahusay na Punong Bayan Hon.Ronnie Roy Pascual, Sangguniang Bayan, RHU Llanera at Provincial Health Office-Nueva Ecija ABTC sa katauhan ni Mam Ma Teresa Mendoza .
Muli po ang Llanera ABTC ay bukas tuwing araw ng:
Lunes: 1:00 – 3:00 PM
Martes: 8:00AM-2:00PM
Biyernes: 8:00AM-2:00PM
Pansamantala po iting matatagpuan sa Conference Hall, TB-DOTS Building (likod ng RHU) habang isinasayos ang mas magandang tanggapan ng ABTC sa Evacuation Center.
Ang Llanera ABTC ay kumpleto ng mga bakuna laban sa Rabies.Ang pangkalusugang serbisyong ito ay mas inilapit para sa mas maraming Llanerano ang mapagserbisyuhan. Wag na wag makipagsapalaran sa Tandok o Tawak.

Official Website of Municipality of Llanera