Skip to main content

Linggo ng Kabataan 2023 at Buwan ng Wikang Pambansa 2023

Ngayong Agosto ay ating ipinagdiriwang ang Linggo ng Kabataan 2023 at Buwan ng Wikang Pambansa 2023 hatid sa atin ng Pambayang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan, Local Youth Development Office at Llanera Tourism Office sa suporta ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno ng ating Punong Bayan Kgg. Ronnie Roy Pascual at bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ng ating Pangalawang Punong Bayan Kgg. Hermogenes A. Tadiaman Jr.
Makakasama po natin ang iba’t-ibang mga tanggapan at ahesya ng ating pamahalaan sa ating selebrasyon. Itataguyod ang pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga kompetisyon, talakayan at programa.
Inaayayahan po ang bawat isa na makiisa at sumuporta sa ating selebrasyon.
Maaaring maghintay po ng ibang anunsyo para sa mga kompetisyon.
#LlaneraLNK2023
#LlaneraBuwanNgWikangPambansa2023
#SulongLlanera

Official Website of Municipality of Llanera