Skip to main content

LGU Llanera, Kinilala sa Ginanap na Gawad Timpukan 2023 Ng DILG Region III

MABUHAY!
Kahapon, Disyembre 19 ay pormal pong tinanggap ng Bayan ng Llanera sa pamumuno ng ating Punong Bayan Kgg. Ronnie Roy G. Pascual, kasama si LGOO VI Carolyn Javate, ang incentive fund bilang isa sa mga passers ng Seal of Good Local Governance 2023. Ang incentive fund ay may kabuoang P1,800,000.
Bukod dito, ginawad din sa Bayan ng Llanera ang Anti-Drug Abuse Council Performance Award na nagkamit ng HIGH FUNCTIONAL STATUS para sa 2022 ADAC Performace Audit.
Ang mga parangal pong ito ay para sa lahat ng Llanerano at salamin sa patuloy na dedikasyon ng Pamahalaang Bayan sa paglilingkod at pagtalima sa mga umiiral na batas.
#SulongLlanera

Official Website of Municipality of Llanera