
Isang paalala mula sa Food and Drug Administration ukol sa mga binebentang Covid vaccines online
Maraming kumakalat na mga binebentang bakuna kontra COVID-19 online kung saan mabibili ito ng bagsak presyo at maaari pang makapamili ng iba’t ibang tatak gaya ng AstraZeneca, Pfizer at Moderna.
Paalala lamang sa publiko na sa ngayon ay WALA pang MABIBILING bakuna kontra COVID-19 sa merkado at mahigpit na IPINAGBABAWAL ANG PAGBEBENTA nito. Hindi rin matitiyak na lehitimo, ligtas, at epektibo ang mga bakuna na ipinagbibili online.
Binabalaan ang lahat na HUWAG itong tangkilikin at I-REPORT kaagad ang mga hindi otorisadong nagbebenta ng nasabing produkto sa ereport@fda.gov.ph.
Para sa buong detalye, magtungo sa: https://bit.ly/3olNKg6