Skip to main content

ISANG MAKAKABATAANG ARAW

Maayos na naisagawa ang ikalawa at huling batch ng SK Mandatory Training noong November 13 na ginanap sa Irvine’s Events and Gathering Center, Castillo St., Brgy. Victoria, Llanera, Nueva Ecija.

Alinsunod pa rin ito sa Republic Act No. 10742 o Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015.
Tumayong mga Resource Person sa Training sina LGOO VI, Carolyn Javate para sa Decentralization and Local Governance; PPSK President Noel Antolin sa SK History and Salient Features; Sangguniang Bayan Secretary Maria Luz Damaso para sa Meetings and Resolutions; LGOO V Leovielyn Aduna sa Planning and Budgeting, at LGOO II, Angelique Gaspar para naman sa Code of Conduct and Ethical Standards.
Pagkatapos ng Mandatory Training ay isinagawa naman ang Oath-Taking Ceremony sa pangunguna ni Punong Bayan, Kgg. Ronnie Roy Pascual. Nanumpa sa katungkulan ang mga bagong halal na SK Officials ng Barangay Bagumbayan, Casile, Caridad Sur, Florida Blanca, Gen. Luna, Ligaya, Murcon, Plaridel, San Vicente, Sta. Barbara, at Victoria.
#llaneraskmt23
#sulongLLANERA
#sulongkabataangllanerano
Official Website of Municipality of Llanera