Skip to main content

IKALAWANG EXPANDED LOCAL HEALTH BOARD MEETING

IKALAWANG EXPANDED LOCAL HEALTH BOARD MEETING GINANAP NGAYONG ARAW, AGOSTO 3, 2023 SA TANGGAPAN NG PUNONG BAYAN
Ginanap ngayong araw, ika-3 ng Agosto 2023 ang ikalawang Expanded Local Health Board Meeting sa Tanggapan ng Punong Bayan. Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Local Health Board na pinangungunahan ng ating mahal na Punong Bayan Ronnie Roy G. Pascual. Dumalo rin sa pagpupulong sina Konsehala Elsa Vergara, SB Committee Chairperson on Heath, Pangulo ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan Noel Antolin, Dra. Mylene Villarosa, DOH Representative Sir Clesther Jose Espinosa at mga kawani ng Llanera Rural Health Unit.
Ilan sa mga napagpulungan ay mga updates at nakalatag na mga aktibidad para sa mga sumusunod:
Maternal Neonatal Child Health Nutrition – Reproductive Health
Family Planning
National Tuberculosis Program
Epidemiology & Surveillance Program
National Immunization Program
Leprosy Program
Rabies Control Program
Non Communicable Diseases Program
Nutrition Program
Environmental and Sanitation Program
Blood Donation Program
Communicable Diseases Program
Nagbigay din ng updates si Sir Clesther Jose Espinosa sa COVID 19, MR-OPV SIA, Primary Care Facility at iba pang mga programang pangkalusugan ng DOH.
Bilang pagtatapos, nag-iwan ng mensahe ang ating mahal na Punong Bayan na hinihimok ang bawat isa na lalo pang pagbutihin at palaguin ang mga programang pangkalusugan sa ating bayan. Pinuri din ni Mayor Pascual ang mga kawani ng RHU-Llanera sa kanilang tagumpay sa iba’t ibang programang pangkalusugan sa ating bayan.
Official Website of Municipality of Llanera