Skip to main content

Ika-125 taong anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan”

Ang Bayan ng Llanera ay nakiisa sa buong bansa sa selebrasyon ng ika-125 taong anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan”
Ang selebrasyon ngayong taon ay pinangunahan ng Dep-Ed Llanera. Sinimulan ang programa sa pagtataas ng bandila ng Pilipinas na pinagunahan ng PNP at BFP Llanera. Mga makabayang awitin naman ang ibinahagi sa lahat ng Llanera Maestro Singers at nagpamalas din ng talento ang mga kabataang nagmula sa Llanera Central School. Nagbigay mensahe sina Dep-Ed Llanera District Supervisor, Dr. Arturo Apostol, Vice Mayor Hermogenes Tadiaman Jr at Mayor Ronnie Roy G. Pascual. Sa mensahe ng ating mahal na Punong Bayan, nagbigay pugay siya sa bawat mamamayang Llanerano partikular sa mga bayaning magsasaka sa kanilang kabayanihan at ambag sa patuloy na pag-unlad ng Bayan ng Llanera. Matapos ang maikling programa, nag-alay ang bawat isa ng mga bulaklak sa mga Bantayog ng mga Beterano at Bantayog ni Dr. Jose Rizal bilang pagbibigay-pugay at pagkilala sa kanilang kabayanihang inalay para sa bayan. Nakiisa din sa selebrasyon ang mga kawani ng LGU-Llanera at mga kabataang nagsipagwagi sa Ginoo at Binibining Llanera 2023.
Official Website of Municipality of Llanera