Skip to main content

Iginawad ng DSWD Field Office III sa dalawang Senior Citizen ng ating bayan ang kanilang Centenarian Grant

Iginawad ng DSWD Field Office III, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office-Llanera, sa dalawang Senior Citizen ng ating bayan ang kanilang Centenarian Grant na nag kakahalaga ng ₱100,000.00 at kalakip nito ang isang sertipiko ng pagkilala bilang pagpupugay sa pag-abot ng kanilang ika-100 taon.
Matagumpay na naigawad ang nasabing parangal sa tulong at pag mamalasakit ng ating Punong Bayan Kgg.Ronnie Roy G. Pascual sa mga Senior Citizen ng ating bayan.
Ito ang unang pagkakataon na may nakatanggap ng Centenarian Gift sa Bayan ng Llanera.
Official Website of Municipality of Llanera