Skip to main content

Gawad Kalasag Regional Field Validation

Malugod na tinanggap ng ating minamahal na Punong Bayan Ronnie Roy G. Pascual kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Llanera at mga miyembro ng Local Disaster Risk Reduction Management Council ang Regional Validation Team ng GAWAD KALASAG na ginanap kahapon, Agosto 2, 2023 sa Tanggapan ng Punong Bayan. Ang GAWAD KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) ay naglalayong isulong at kilalanin ang mga natatanging pagganap ng mga Pamahalaang Lokal sa disaster preparedness at response sa kanilang nasasakupan. Ang Regional Validation Team ay binubuo nina Morris Jan Auxillos at Reymart Mangune mula sa Office of Civil Defense Regional Office III at Christian Santiago mula sa Department of Interior and Local Government.
Ayon sa mensahe ng ating Punong Bayan Ronnie Roy G. Pascual, isang karangalan na nakamit ng Bayan ng Llanera ang Gawad Kalasag noong nakaraang taon at hangarin ng Pamahalaang Bayan na muling makamit ito ngayong taon. Repleksyon ito ng mahusay na pagganap ng Tanggapan ng MDRRMO at ng LDRRM Council sa ating bayan. Pinasalamatan ni Mayor Pascual ang bawat isa sa kanilang hindi matatawarang pagganap upang mapanatiling ligtas at handa ang bayan sa anumang sakunang darating.
Official Website of Municipality of Llanera