
FARMER’S TESTIMONY || Si Tatay Cesario Bustillos, Jr.
FARMER’S TESTIMONY || Si Tatay Cesario Bustillos, Jr., ay dating empleyado ng National Irrigation Administration (NIA) kung kaya’t hindi nalalayo sa kanya ang pagmamahal sa pagsasaka.
Dagdag pa nito, nabuksan ang pinto sa pangangarap na magkaroon ng sariling sakahan si Tatay Cesario dahil sa nakita niya sa biyenan. Nagsimula si Tatay Cesario sa pagsama sa sariling biyenan sa pagbebenta ng palay at doon niya nalaman na maaaring kumita nang malaki sa pagsasaka.
Naging katuwang ni Tatay Cesario sa pag-iipon ang asawang kumikita sa pagbebenta ng mga kumot, kulambo at alahas upang makabili ng inaasam na lupang sakahan. Nagsimulang magsaka si Tatay Cesario no’ng panahong may lumapit na kaibigan na may lupang sakahan. Mula roon, nagsimula na sa pagsasaka si Tatay Cesario hanggang sa magkaroon na rin ng sariling lupang sakahan at magkaroon ng mga sariling tagasaka.
Noong nagsisimula pa lang si Tatay Cesario, naging katuwang niya ang Department of Agriculture upang tuluyang maging ganap na magsasaka. Mula sa mga seminars at training tungkol sa land preparation at paggamit ng mga makabagong teknolohiya hanggang sa pagtanggap ng mga libreng pataba at binhi, ang Kagawaran ng Pagsasaka ang isa sa gumabay para tuluyang makamit niya ang natatamasang tagumpay sa sakahan.
Ngayong pandemya, malaki man ang naging pagsubok ni Tatay Cesario dahil sa mga limitasyon kaugnayan sa pagsasaka ngunit hindi natigil ito upang maging isa sa may mataas na inaaning palay sa bansa. Dagdag pa nito, nakapagbukas din siya ng oppurtunidad sa ibang kababayang nangangailangan ngayong pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho.
Marami mang bagyo ang naranasan mula sa personal na buhay hanggang sa pagsasaka, ngunit hindi natigil si Tatay Cesario upang magkaroon ng masaganang ani at mataas na kita. Patunay lamang na kahit anong pangarap ay maaabot at kahit anong hamon ay malalagpasan.
#DACentralLuzon #OneDA #FarmersTestimony