DIGITAL POSTER MAKING CONTEST

Halina’t makisining kababayan! May 7 araw pa bago ang deadline ng pagpapasa ng entries. Good luck!

Sa ating selebrasyon ng Pambansang Buwan ng Sining, halina’t makiisa at lumahok sa Digital Poster Making Contest. Narito po ang mga alituntunin:
1. Ang paligsahan sa pagbuo ng digital na poster ay bukas sa lahat ng edad at kasarian.
2. Ang kompetisyon ay para lamang sa lehitimong mamamayan ng Bayan ng Llanera.
3. Ang digital na poster ay kailangan akma sa tema ng pagdiriwang ng National Arts Month 2022 na “Sining ng Pag-asa”. Maaaring isama sa bubuoing poster ang husay, tapang, malasakit, pagkalinga, pagmamahal at pagtulong ng Llanerano sa kanyang kapwa para sa isang Bayang May Pag-asa .
4. Kinakailangang i -record ng kalahok ang kanyang pagguhit ng digital na poster upang makita at mapatunayan na siya mismo ang gumawa nito. Hindi kailangang mahaba ang video, mapatunayan lamang na orihinal na likha ito ng kalahok.
5. Ipasa ang video ng kanyang pagguhit at ang natapos na Digital na Poster sa NAM2022LLANERA@gmail.com
6. Siguruhing mayroong 1 hangang 2 talatang naratibo na nagpapaliwanag sa nabuong poster.
7. Dapat mayroong pagkakakilanlan ang poster na ipapasa. Huwag kalimutang isama sa email ang mga sumusunod na impormasyon:
Pamagat ng Poster :
Pangalan ng gumawa :
Barangay :
Contact Number :
8. Ang huling pagpapasa ng kalahok ay sa Pebrero 23, 2022 alas 5:00 ng hapon.
Pamantayan sa Paghusga
Kaakmahan sa Tema ng Pagdiriwang 40%
Linis,Husay, at Tamang Paggamit ng
Kulay, Linya at Signo (Sign ) 30%
Kabuoang Dating ng Poster bilang
Simbolo ng Sining ng Pag-asa 20%
Naratibo at Kwento 10 %
_____________
Kabuoan 100%
Kung mayroong mga katanungan at paglilinaw, maaaring tumawag o magtext sa mga numerong 0936-851-8789 at 0999-479-6828.
Ang mga magsisipagwagi sa patimpalak na ito ay mag-uuwi ng mga sumusunod:
Unang Gamtimpala – Plake at P5,000.00
Ikalawang Gantimpala – Plake at P3,000.00
Ikatlong Gantimpala – Plake at P2,000.00

Contact Info

Emergency Hotlines

  • FIRE STATION:

    • 0915-342-3773
    • 0922-364-0030
  • POLICE STATION:

    • 0998-598-5415
  • MDRRMO:

    • 0939 928 1375

Copyright © 2020. Municipality of Llanera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved. Powered by

Official Website of Municipality of Llanera