
COVID 19 UPDATE as of October 31, 2021
Nakapagtala ng 4 na panibagong COVID-19 Cases ang ating bayan ngayong October 31, 2021 kasama pa ang 10 na ACTIVE Probable Cases (Rapid Antigen Test Positives). Narito ang datos ng ating New Laboratory Confirmed Case:
NEW RT-PCR CONFIRMED CASES
📍INANAMA
LLA-399 80/F DIED at Hospital
📍GEN. RICARTE
LLA-400 14/F under Home Quarantine
LLA-401 10/M under Home Quarantine
LLA-402 59/F under Home Quarantine
🥀🥀🥀NEW COVID DEATH CASE🥀🥀🥀
LLA-399 Died on 10/24/2021 . Ang LGU Llanera at IATF ay nakikiramay sa mga pamilyang naulila. Ipanalangin po natin ang kapahingahan ni LLA-399.
Bagaman patuloy ang pagbaba ng mga aktibong COVID Cases sa ating bayan maging ang mga Rapid Antigen Test na isinasagawa ng RHU Laboratory Department, nawa’y huwag magpakakampante ang lahat dahil nanatili12 ang banta at paglitaw ng ibat-ibang Variants tulad ng Delta Variant. Nawa’y maiwasan po muna natin ang anumang Social Gatherings na maaring makahikayat ng maraming taong maaring mag-umpukan lalong lalo na ang ating mga vulnerable o high risk individuals na hindi pa bakunado.
Patuloy po kaming nakikiusap at nagpapaalala na SUNDIN ang Minimum Public Health Standards tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield, paghuhugas ng kamay, pagpapanatili ng hindi bababa sa 2 metrong social distancing, pag-iwas sa matataong lugar at mga social gatherings at MAGPABAKUNA kung kayo ay kasama na sa mga Priority Groups na binabakunahan sa ating Bakuna Center.
Narito po ang datos ng ating bayan ukol sa COVID-19 Cases. Mag-ingat po ang lahat.