Skip to main content

COVID 19 UPDATE as of November 28, 2021

Nakapagtala ng 1 na panibagong COVID-19 Case ang ating bayan ngayong November 2, 2021 kasama pa ang 10 na ACTIVE Probable Cases (Rapid Antigen Test Positives). Narito ang datos ng ating New Laboratory Confirmed Case:
NEW RT-PCR CONFIRMED CASE
📍CARIDAD SUR
LLA-407 40/M HOSPITAL Admitted. Severe and Unvaccinated.
Bagaman patuloy ang pagbaba ng mga aktibong COVID Cases sa ating bayan maging ang mga Rapid Antigen Test na isinasagawa ng RHU Laboratory Department, nawa’y huwag magpakakampante ang lahat dahil nanatili ang banta at paglitaw ng ibat-ibang Variants tulad ng Delta at Omicron Variant. Nawa’y maiwasan po muna natin ang anumang Social Gatherings na maaring makahikayat ng maraming taong maaring mag-umpukan lalong lalo na ang ating mga vulnerable o high risk individuals na hindi pa bakunado.
Patuloy po kaming nakikiusap at nagpapaalala na SUNDIN ang Minimum Public Health Standards tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield, paghuhugas ng kamay, pagpapanatili ng hindi bababa sa 2 metrong social distancing, pag-iwas sa matataong lugar at mga social gatherings at MAGPABAKUNA kung kayo ay kasama na sa mga Priority Groups na binabakunahan sa ating Bakuna Center.
Narito po ang datos ng ating bayan ukol sa COVID-19 Cases. Mag-ingat po ang lahat.

Official Website of Municipality of Llanera