Skip to main content

COVID 19 UPDATE as of January 17, 2022

Ngayong araw January 17, 2022 ay nakapagtala po ng 14 NEW COVID-19 Confirmed Cases at kabuuang 96 COVID-19 Probable Case ang ating bayan.
NAPAKABILIS ANG PAGTAAS NG MGA COVID-19 CASES sa katunayan, 9 mula sa 22 Barangay na bumubuo sa ating bayan ang may mga ACTIVE CASES ng Laboratory Confirmed COVID-19 Cases samantalang 16 Barangay naman ang may mga ACTIVE Probable Cases o Rapid Antigen Test Positives. Kung kaya’t huwag magpakakampante ang lahat dahil sa mabilis na pagkalat ng Omicron Variant at idagdag pa ang Delta Variant. Nawa’y limitahan kung hindi maiwasan ang anumang Social Gatherings na maaring makahikayat ng maraming taong maaring mag-umpukan lalong-lalo na ang ating mga vulnerable o high risk individuals na hindi pa bakunado. Iwasan din ang paglilibot sa mga lugar na HIGH RISKs sa COVID-19 lalo kung ang mga kasama ay mga maliliit na bata, mga Senior Citizens at mga may taglay na Co-Morbidities lalo kung sila ay HINDI BAKUNADO.
Patuloy po kaming nakikiusap at nagpapaalala na SUNDIN ang Minimum Public Health Standards tulad ng pagsusuot ng facemask, paghuhugas ng kamay, pagpapanatili ng hindi bababa sa 2 metrong social distancing, pag-iwas sa matataong lugar at mga social gatherings at MAGPABAKUNA! Marami nang patunay na Ligtas at Epektibo ang mga available COVID Vaccines natin. Palakasin natin lalo ang Vaccination Roll-Out ng mga PRIORITY GROUPS lalo na ang mga Senior Citizens at mga may taglay na karamdaman o Co-Morbidities.
Narito po ang datos ng ating bayan ukol sa COVID-19 Cases. Mag-ingat po ang lahat.

Official Website of Municipality of Llanera