COVID 19 UPDATE as of January 09, 2022

Ngayong araw January 9, 2022 ay nakapagtala po ng 3 NEW COVID-19 Confirmed Case at kabuuang 22 COVID-19 Probable Case ang ating bayan.
Nawa’y huwag magpakakampante ang lahat dahil nanatili ang banta ng Omicron Variant at Delta Variant. Nawa’y limitahan kung hindi maiwasan ang anumang Social Gatherings na maaring makahikayat ng maraming taong maaring mag-umpukan lalong-lalo na ang ating mga vulnerable o high risk individuals na hindi pa bakunado.
Patuloy po kaming nakikiusap at nagpapaalala na SUNDIN ang Minimum Public Health Standards tulad ng pagsusuot ng facemask, paghuhugas ng kamay, pagpapanatili ng hindi bababa sa 2 metrong social distancing, pag-iwas sa matataong lugar at mga social gatherings at MAGPABAKUNA! Marami nang patunay na Ligtas at Epektibo ang mga available COVID Vaccines natin. Palakasin natin lalo ang Vaccination Roll-Out ng mga PRIORITY GROUPS lalo na ang mga Senior Citizens at mga may taglay na karamdaman o Co-Morbidities.
Narito po ang datos ng ating bayan ukol sa COVID-19 Cases. Mag-ingat po ang lahat.

 

Contact Info

Emergency Hotlines

  • FIRE STATION:

    • 0915-342-3773
    • 0922-364-0030
  • POLICE STATION:

    • 0998-598-5415
  • MDRRMO:

    • 0939 928 1375

Copyright © 2020. Municipality of Llanera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved. Powered by

Official Website of Municipality of Llanera