
COVID 19 UPDATE as of December 12, 2021
Sa nakalipas na 2 linggo hanggang sa araw na ito December 12, 2021 ay WALA na pong naidagdag n panibagong COVID Case ang ating bayan.
Bagaman WALA nang aktibong COVID Case sa ating bayan maging ang mga Rapid Antigen Test na isinasagawa ng RHU Laboratory Department, nawa’y huwag magpakakampante ang lahat dahil nanatili ang banta at paglitaw ng ibat-ibang Variants tulad ng Omicron Variant. Nawa’y limitahan kung hindi maiwasan ang anumang Social Gatherings na maaring makahikayat ng maraming taong maaring mag-umpukan lalong-lalo na ang ating mga vulnerable o high risk individuals na hindi pa bakunado.
Patuloy po kaming nakikiusap at nagpapaalala na SUNDIN ang Minimum Public Health Standards tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield, paghuhugas ng kamay, pagpapanatili ng hindi bababa sa 2 metrong social distancing, pag-iwas sa matataong lugar at mga social gatherings at MAGPABAKUNA kung kayo ay kasama na sa mga Priority Groups na binabakunahan sa ating Bakuna Center maging sa mga scheduled Mobile Vaccination Activity sa mga malalayong barangay.
Palakasin natin lalo ang Vaccination Roll-Out ng mga PRIORITY GROUPS. Makiisa sa gaganaping Round 2 ng COVID-19 National Vaccination Day sa December 15-17, 2021 sa Lagasca Gym, TB-DOTS Center at sa mga piling Barangay para sa Mobile Outreach Vaccination Caravan. Dahil isa itong malaking hakbang para sa pagbalik natin sa NEW NORMAL.
Narito po ang datos ng ating bayan ukol sa COVID-19 Cases. Mag-ingat po ang lahat.