Skip to main content

BOOSTER DOSE AVAILABLE

BOOSTER DOSE AVAILABLE 📌
✔️Astrazeneca
✔️Pfizer
✔️Sinovac (for HOMOLOGOUS ONLY)
❓Sino-sino ba ang maaari nang makatanggap ng Booster Shot?
✔️LAHAT ng mga nabakunahan ng Sinovac, Astrazeneca at Pfizer na hindi bababa sa 3 buwan mula sa araw kung saan natanggap ang kanyang 2nd Dose. Maaari na magpaBOOSTER SHOT ang lahat ng nabakunahan ng 2nd Dose mula March hanggang October 25, 2021. Pakidouble check lamang po ang date ng inyong 2nd Dose sa inyong Vaccination Card.
✔️LAHAT ng nabakunahan ng Janssen na hindi bababa sa 2 buwan mula sa araw na natanggap ang Janssen. Maaari ng magpaBOOSTER SHOT lahat ng mga nabakunahan noong July 2021.
❓MGA HINDI PA MAARING BAKUNAHAN NG BOOSTER SHOT
❌Mga kasalukuyang sumasailalim sa Quarantine at Isolation tulad ng mga Closed Contacts, mga Probable o Positive sa Rapid Antigen Test at mga Confirmed COVID.
❌Mga mayroong Ubo, Sipon at ibang pang mga Sinto as ng COVID.
❌Mga nabakunahan ng ibang mga bakuna tulad ng Anti Rabies, Anti-Tetanus, Flu Vaccines, Pneumococcal Vaccines at iba pang bakuna na WALA PANG 30 Days mula sa huling tinanggap na bakuna bago magpa- booster shot.
MGA DAPAT DALHIN SA ARAW NG BOOSTER SHOT📌
✔️Vaccination Card
✔️Valid ID
Kung kayo po ay may katanungan, makipagugnayan lamang po sa mga nasa Vaccination Sites para masagot lahat ng inyong mga katanungan.
Patuloy ang pagtaas ng COVID Cases, kaya hinihikayat namin LAHAT NG MGA FULLY VACCINATED na palakasin at dagdagan ang proteksiyon natin laban sa COVID-19! Salamat po

Official Website of Municipality of Llanera