Skip to main content

Binibining Llanera 2024 | Beyond the Sash: Cultivating Beauty Inside and Out – Personality Development Training

Mabuhay!
Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, sumabak ngayong araw ang mga candidate ng Binibining Llanera 2024 sa Beyond the Sash: Cultivating Beauty Inside and Out – Personality Development Training. Layunin nito na maihanda sila sa kompetisyon, mahasa ang kanilang kakayahan at mapalakas pa ang antas ng kababaihan sa lipunan.
Nagsilbing Resource Person/Lecturer si Miss Manila Tourism 2023 na dati ring candidate ng Mutya ng Pilipinas 2022 at Miss Universe Philippines 2021 na si Ms. Michele Angela N. Okol. Naging pangunahing sentro ng pagsasanay ang Personality Development, Public Speaking, at Demeanor na magagamit ng mga candidate sa iba’t-ibang aspeto ng kanilang buhay.
#BbLlanera24

Official Website of Municipality of Llanera