Skip to main content

Benepisyaryo ng Social Pension

Ang DSWD Regional Office 3 sa pamamagitan ng kanilang mga masisipag na kawani ay nagsagawa ng pay-out para 737 na benepisyaryo ng Social Pension. Ang mga nasabing benepisyaryo ay nakatanggap ng P3,000.00 para sa buwan ng July-December 2021(2nd semester). Ang pay-out ay ginanap sa PAG-ASA Gym, Brgy. Gen. Luna, Brgy. Gomez, at Brgy. A. Bonifacio upang mas mailapit sa ating mga senior citizen ang pagtanggap ng kanilang pension.
Ang nasabing pay-out ay naisagawa ng maayos dahil na rin sa suporta at inisyatibo ng ating mga masisipag na opisyal ng Bayan ng Llanera na pinangungunahan ng ating mahal na Punong Bayan Ronnie Roy G. Pascual kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan Frank S. Natividad at ng buong Sangguniang Bayan. Kasama rin natin ang mga MSWDO staff at OSCA Chairman Alejandro Belmonte.
Salamat din sa suporta ng ating mga Punong Barangay, Kgg. Reynaldo Santos, Kgg. Eliseo Tolentino, at Kgg. Rizaldy Rivera na nakiisa sa pagsasa-ayos ng ating mga venue.
Para sa po sa mga bedridden nating benepisyaryo at mga hindi nakarating sa pay-out, ang DSWD po ay muling magbibigay ng schedule para po sa pagdedeliver ng mga pension. Maghintay na lang po muna tayo ng abiso mula sa MSWDO.

Official Website of Municipality of Llanera