Skip to main content

BAYAN NG LLANERA, TUMANGGAP NG MGA PAGKILALA SA PAMAMAGITAN NG MUNICIPAL AGRICULTURE OFFICE

Sa pamumuno ni Punong Bayan, Kgg. Ronnie Roy G. Pascual ay tumanggap ng iba’t-ibang pagkilala ang Bayan ng Llanera sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office. Kabilang dito ang Plake ng Pagkikilala dahil sa suporta sa implementasyon ng Districts Hybrid Rice Derby. Ang Bayan ng Llanera ang nagsilbing site ng District II sa loob ng dalawang (2) taon upang ipakita at ipakilala ang iba’t-ibang varieties ng Hybrid Seed na akmang itanim sa ating Bayan.
Ginawaran din ng pagkilala ang ating Municipal Agriculturist na si G. Loulex Corpuz at Gng. Romina R. Javier bilang Rice Focal Person.
Sa kabilang banda, sa pangunguna ni Bb. Marjury Hazel A. Alfonso bilang RCM Focal Person ay iginawad ang pagkilala sa Bayan para sa Outstanding Performance ng mga Agriculture Extension Workers (AEWs) sa implementasyon ng Georeferencing under Rice Crop Manager – Farmers and Farm Lot Registration.
#sulongLLANERA

Official Website of Municipality of Llanera